Kick-off campaign ng ilang mga kandidato para sa 2025 midterm elections, isinagawa sa Maynila

Nagtipon-tipon ang ilang mga kandidato ng Makabayan sa Kartila ng Katipunan para sa pagsisimula ng kampaniya sa national position sa 2025 midterm elections.

Halos lahat ng kandidato ng Makabayan ay dumalo sa kick-off campaign kasama ang supporters gayundin ang party-list group na Gabriela at Bayan Muna.

Sa abiso ng campaign manager ng Makabayan na si Renato Reyesna, iikot ang kanilang grupo Sampaloc at Tondo, Maynila ngayong araw.


Kasabay nito, nagsama-sama naman ang fire volunteers mula sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila sa Intramuros.

Ito’y para suportahan ang kanilang party-list na Ang Bumbero ng Pilipinas na magsasagawa ng motorcade sa Maynila at ipaalam ang mga plano para mas mapalakas ang pagresponde hindi lang sa sunog kundi sa anumang sakuna na mararanasan sa bansa.

Pinangunahan ito ng kanilang representative na si Jose Antonio Goitia kasama ang iba pang nominee at si ER Ejercito.

Facebook Comments