
Iginiit ni House Speaker Alan Peter Cayetano na walang katiwalian sa pagpili ng mga Venue para sa 30th Southeast Asian Games.
Ito’y matapos depensahan ni Cayetano na siyang Chairman ng Philippine Sea Games Organizing Committee o PHISGOC ang pagkakapili sa Bowling Alley ng Starmall sa Mandaluyong bilang isa sa mga Venue ng 30th Southeast Asian Games.
Nabatid kasi na pagmamay-ari ng pamilya ni DPWH Sec. Mark Villar ang nasabing mall.
Paglilinaw ni Cayetano, ang Philippine Olympic Committee at ang Competition Managers ng Sea Games ang pumili sa Bowling Center sa loob ng mall.
Hindi naman aniya ang pamilya Villar ang mismong may-ari ng Bowling Alley.
Panawagan ni Cayetano sa lahat, magkaisa sa pagsuporta sa mga Atletang Pinoy na lalaban sa Sea Games.









