Kinumpirma ni Naga City Councilor Lito del Rosario na nagkaroon ng magkasunod na meeting nitong nakaraang biernes at sabado ang mga opisyal ng Naga City Local Government at mga myembro ng Team Naga kasama mismo si Vice President Leni Robredo. Ito ay bahagi ng preparasyon habang papalapit na ang pag-file ng certificate of candidacy sa October ngayon taon para sa 2019 midterm elections.
Magugunitang iniurong na ang petsa ng filing of certificate of candidacy mula October 1-5 at ito ay naka-schedule na sa October 11-16.
Ayon sa pahayag ni del Rosario, may mga napag-usapang kasunduan kaugnay ng mga nabanggit na meeting subalit tumanggi siyang sabihin ang mga detalye nito sa isinagawang interview ng RMN Naga.
Gayunpaman, isa sa mga bagong napagkasunduan ang pagsali ng pangalan ni incumbent Congressman Gabby Bordado ng Camarines Sur 3rd District para sa pagpipilian kung sino ang ilalaban ng Team Naga sa pagka-Alkalde sa darating na 2019 elections.
Una ng napabalitang dalawa lang ang pagpipilian at ito ay sina incumbent Vice Mayor Nelson Legacion at Number 1 City Councilor Nene de Asis. Subalit sa pinakahuling development, napasama na sa proseso ng pagpipilian ang pangalan ni Bordado. Sinabi pa ni Naga City Councilor at myembro din ng Team Naga na malilinawan ang lahat sa darating na Sabado kung kelan naka-schedule naman ang sunod na pagtitipon ng Team Naga with Vice President Leni Robredo.
Si VP Leni ang itinuturing na leader ng mga opisyales at myembro ng Team Naga bilang kapalit ni dating Mayor at DILG Secretary Jesse Robredo na nagsilbi rig leader ng grupo sa mahabang panahon.
May impormasyong nakaratiing sa RMN Naga –DWNX na posibleng magkaroon ng swapping sa papel ng mga local political leaders ng Team Naga kung saan tatakbo bilang Congreessman si 3rd Termer Naga City Mayor John Bongat bilang kapalit ni Bordado, samantalang tatakbo naman bilang mayor si Bordado kasama si Councilor Nene de Asis bilang Vice Mayor, o di kaya ay Bordado sa pagka mayor at Legacion for Vice Mayor, yan ay kung pumayag si incumbent VM Legacion na maging running mate ni Bordado sa harap ng kanyang matagal ng pahayag na decided na siyang pagka-mayor ang kanyang tatakbuhan sa midterm elections.
Pagpipilian Para sa Pagka-Mayor ng Naga City, 3 Na, Legacion, De Asis, Bordado; VP Leni Robredo nasa Gitna ng Selection Process
Facebook Comments