Mas mapapabilis ang pagpoproseso ng bulok na basura sa lungsod ng Dagupan City matapos magpadala ang Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau (EMB) ng mga kagamitan na magagamit para dito.
Tinanggap ng pamahalaang lungsod ang shredder, composter, at bio-enzymes.
Ang mga nasabing equipment ay dagdag sa mga ginagamit na sa Material Recovery Facility (MRF) sa Bonuan Boquig kung saan ginagawang abono o pataba sa lupa ang mga nakolektang biodegradable waste sa siyudad. | ifmnews
Facebook Comments