Manila, Philippines – Umapela si Senator Sonny Angara kay bagong Department of Information and Communications Technology o DICT Secretary Gringo Honasan na iprayoridad ang implementasyon ng libreng WiFi sa State Colleges and Universities o SUCs.
Ayon kay Angara sa 112 SUCs sa buong bansa ay 17 pa lamang ang nakakabitan ng libreng WiFi.
Lumalabas ayon kay Angara na nasa 15 percent lamang ang accomplishment rate ng programa.
Ipinunto ni Angara na noong 2018 ay nasa 1.7 billion pesos ang pondo para sa free public WiFi project at 326 million pesos ay para sa paglalagay ng WiFi hotspots sa SUCs.
Ikinatwiran ni Angara na kahit libre ang matrikula sa SUCs ay malaki pa rin ang matitipid ng mga estudyante kung libre din ang WiFi.
Makakatulong din aniya ito sa pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral sa kanilang pamilya lalo na kung ang kanilang mga magulang ay nagtatrabaho sa ibayong-dagat.