PAGPROTEKTA SA KABABAIHAN MULA SA PANG-AABUSO, BINIGYANG-DIIN SA MGA ESTUDYANTE AT GURO SA MANGALDAN

Binigyang-diin sa mga estudyante at guro sa Mangaldan ang kahalagahan ng pagprotekta sa kababaihan laban sa pang-aabuso sa isinagawang talakayan ng Mangaldan Municipal Police Station sa isang paaralan sa bayan.

Ayon sa ulat, tinalakay sa aktibidad ang nilalaman ng Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act, na mas kilala bilang Anti-Bastos Law, bilang bahagi ng paggunita sa National Women’s Month.

Ipinaliwanag sa talakayan ang iba’t ibang anyo ng gender-based sexual harassment at ang mga karapatan ng mga biktima alinsunod sa nasabing batas.

Hinikayat din ng pulisya ang mga estudyante at guro na agad iulat sa mga awtoridad ang anumang insidente ng harassment.

Isinagawa ang aktibidad upang mapalawak ang kaalaman tungkol sa mga batas na nagpoprotekta sa kababaihan at maiwasan ang mga insidente ng pang-aabuso at harassment. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments