
Patuloy pang nagpapagaling sa ospital sa Qatar ang Pilipinong nasugatan matapos tamaan ng shrapnels mula sa Iran missile na na-intercept ng Qatar.
Tiniyak naman ng Philippine Embassy sa Doha na ligtas na ang naturang Overseas Filipino Worker (OFW) dahil minor injuries lamang ang tinamo nito.
Tiniyak naman ng Embahada na kanilang tinututukan ang sitwasyon ng nasugatang OFW.
Muli namang nanawagan ang Philippine Embassy sa mga Pilipino sa Qatar na iwasan munang lumabas ng kanilang mga tahanan kung walang mahalagang pakay sa labas para na rin sa kanilang kaligtasan.
Facebook Comments










