Pagpugot ng ASG kay Staff Sergeant Anni Siraji, kinondena ng Malakanyang

Manila, Philippines – Kinondena ng Malakanyang angginawang pagpugot ng Abu Sayyaf Group kay Staff Sergeant Anni Siraji ng 32ndinfantry battalion.
 
  Matatandaang si Siraji na dating miyembro ng MoroNational Liberation Front ay dinukot ng ASG sa Igasan, Patikul, Sulu noong April20 habang papunta sa isang peace and development mission.
 
  Natagpuan ang bangkay ni Siraji sa Sitio Kan Suil,barangay Tagbili, Patikul, Sulu bandang alas-2 ng hapon kahapon (Apr. 23).
 
  Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang‘barbaric act’ na ginawa ng Abu Sayyaf Group sa kanila kapwa Tausug ay walangpuwang sa sibilisadong lipunan.
 
  Tiniyak naman ni Abella sa pamilya ni Siraji na hindititigil ang gobyerno hangga’t hindi natutugis at naibibigay ang hustisya sakanyang pagkamatay.
 
  Kasabay nito, nananawagan ang Palasyo sa lahat namanatiling nakaalerto, mapagmatyag at makipagtulungan sa security forces habangpatuloy ang operasyon ng militar laban sa ASG.

Facebook Comments