Pagpunta sa gym senyales daw ng pagiging bading?

Kamakailan ay naglabas ng isang article ang isang Malaysian newspaper na Sinar Harian tungkol sa pagpunta ng mga kalalakihan sa gym na ayon sa pahayagan ay senyales daw di umano ng pagiging bading ng isang lalake. Ayon pa sa nasabing newspaper may mga palatandaan para malaman kung ang isang indibiwal ay bading.

Isa na nga dito ang pagpunta umano sa gym ng isang indibidwal na kung saan hindi naman pag-iexcercise ang tinungo kundi tumingin lang ng mga gwapo sa lugar. Dagdag pa ng nasabing pahayagan ilan pa sa mga palatandaan ay ang pagkahumaling ng mga ito sa mga lalaking balbas sarado o may bigote, pagkahilig sa mga branded na kasuotan, tipong lumiliwanag ang kanilang mga mata pag nakakita ng mga gwapo sa paligid, pakikipagyakapan o holding hands sa kapwa lalake, pagiging mapag-isa, at pag-open ng topic madalas na patungkol sa mga lalaki.

May mga hindi sumang-ayon sa nasabing artikulo. Nagbigay din ng opinyon si Arwind Kumar, isang Malaysian biggest social media stars na ayon sa kanya na huwag daw lahatin ang mga may balbas o mahihilig sa mga branded na damit. Dagdag pa nito “If you really want to educate society then explain to them the traits of a pedophile, a molester, a murderer, a kidnapper, people who actually endanger the lives of others. How the hell does a gay person endanger your life?”


Samantala, may mga bansa pa din na hindi tanggap ang homosexuality at karamihan dito ay ang mga muslim countries na ang ilan ay may parusang pagkakakulong at kamatayan sa mga mapapatunayang homosexual.

Ikaw naniniwala ka ba sa mga signs na nabanggit sa pagiging gay ng isang lalake?

Facebook Comments