Pagratipika sa BOL, tagumpay para sa Pilipinas – VP Robredo

Maituturing na tagumpay para sa Pilipinas ang ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ito ang pahayag ni Vice President Leni Robredo at umaasang makatutulong ang BOL sa pagwawakas ng ilang dekadang kaguluhan sa Mindanao.

Iginiit din ni Robredo – na kailangang suportahan ang patuloy na pagsusulong ng prosesong ito dahil hindi pa rito natatapos ang laban para sa kapayapaan.


Dapat aniya siguruhin ng pamahalaan na ang maging pundasyon ng ratipikasyon sa pagpapalakas ng mga institusyong magdadala ng maunlad na ekonomiya at responsableng mga lokal na pamahalaan sa ilalim ng bagong tatag na Bangsamoro.

Facebook Comments