I-endorso na ng Senate Committee on Foreign Relations ang pagratipika ng Senado sa pinasok ng Pilipinas na United Nations Treaty on the Prohibition of Nuclear Weapons.
Nakasaad sa tratado na lahat ng bansang nakalagda ay hindi sasang-ayon sa pagdevelop, pag-test, paggawa, pagbili, pag-imbak at pagbabanta na gagamit ng nuclear weapons.
Ang hakbang ng komite ay makaraang sabihin ng mga kinatawan ng Department of Foreign Affairs (DFA), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of National Defense (DND) at iba pang ahensya na mahalaga ang nabanggit na tratado.
Paliwanag ng DFA, mahalaga ang treaty dahil magsisilbi itong pressue sa mga bansa na may nuclear weapons.
Sa Asean Region, bukod sa Pilipinas ay kabilang din sa mga bansang lumagda dito ay ang Brunei, Cambodia, Indonesia, Myanmar.
Ratipikado naman na ito sa Lao PDR, Malaysia, Thailand at Vietnam.