Pagre-recruit ng NPA sa mga bata, isang war crime – Palasyo

49

Mariing kinondena ng Malacañang ang walang habas na pagre-recruit ng New People’s Army (NPA) sa mga bata bilang mga combatants.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nilalabag ng NPA ang international at domestic laws.


Aniya, ikinokonsidera itong war crime at paglabag ito sa illegal detention at human trafficking.

Batay sa desisyon ng international tribunal, ang pagpuwersa sa mga batang magbitbit ng kagamitan para sa mga rebelde ay maituturing na child recruitment.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga awtoridad na sagipin ang mga batang dinukot ng NPA rebels at maibalik sila ng ligtas sa kanilang mga magulang.

Facebook Comments