Malacañang, walang nakikitang mali sa pagpapabakuna ni Mon Tulfo

36

Matapos aminin ng kolumnistang si Ramon Tulfo na nagpabakuna siya ng Sinopharm vaccine na hindi pa rehistrado sa Pilipinas, walang nakikitang mali rito ang Malacañang.

Sa kanyang column sa Manila Times noong February 20, ibinunyag niyang tumanggap na siya ng Sinopharm vaccine noong Oktubre 2020 kasama ang iba pang government officials.


Nag-apply aniya siya bilang local distributor ng Sinopharm vaccine.

Sinubukan ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dumistansya sa isyu at inaming hindi niya alam kung ang appointment kay Tulfo bilang Special Envoy to China ay nananatili pa bang epektibo.

Aalamin ni Roque kung ni-renew ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment ni Tulfo.

Pero iginiit ni Roque na ang pagkakaroon ng proteksyon mula sa sakit ay naiintindihan niya pero may mga proseso na kailangang sundin.



Ipauubaya na rin niya sa Ombudsman ang posibleng conflict of interest dahil sa pagiging local distributor ni Tulfo at tungkulin nito bilang envoy ng Pangulo.


Sa ngayon, ang nasabing bakuna ay hindi pa nag-a-apply para sa emergency use approval ng Food and Drug Administration (FDA).

Facebook Comments