Pagrerehistro sa mga prepaid SIM para sumugpo sa iligal na aktibidad, isinusulong ng isang kongresista

73

Isinusulong ngayon ni Deputy Speaker Wes Gatchalian ang isang resolusyong mag-uutos na irehistro ang lahat ng prepaid SIM na tutulong sa mga otoridad na matukoy o mahanap ang mga scammers at iba pang may kinalaman sa iligal na aktibidad.

Sa ilalim ng House Bill No. 5793 o Subscriber Identity Module (SIM) Card Registration Act na pinamumunuan ni Gatchalian, tinatawagang-pansin nito ang gobyerno dahil sa tumataas na scam sa mga online transaction.


Layon naman ng panukala na matulungan ang mga food delivery services na karaniwang nabibiktima ng ganitong insidente.

Sa ngayon, pagtitiyak ni Gatchalian suportado na ng telecommunications companies at mga delivery riders ang panukala.

Facebook Comments