Manila, Philippines – Binigyang diin ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Brigadier General Restituto Padilla na hindi natatapos sa Marawi City ang idineklarang Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay Padilla sa Mindanao Hour dito sa Malacanang, hindi dapat tingnan lang ang Marawi kapag pinag-uusapan ang Martial kaw dahil ang rebeldeng grupo ay hindi lang nasa Marawi kundi nasa ibang lugardin sa labas nito tulad ng Lanao, Maguindanao at sa Sulu.
Paliwanag ni Padilla, hindi ibigsabihin na natapos na ang kaguluhan sa Marawi ay tatanggalin na ang Martial law dahil marami pang kailangang gawin ang Pamahalaan para tugunan ang Problema ng rebelyon kaya kailangan pa nila ang Martial Law.
Binigyang diin ito na ang Martial Law sa Mindanao ay hindi lamang para solusyunan ang Marawi Siege kundi bigyang solusyon ang security situation sa buong Mindanao.
Pagresolba sa problema sa Marawi City, hindi lang ang layunin ng pagdedeklara ng Martial Law
Facebook Comments