Pagresponde ng gobyerno sa COVID-19 pandemic, malaking factor kung bakit tumaas ang voter registration ng mga kabataan ayon sa COMELEC

Malaking rason ang naging bunga ng pagresponde ng gobyerno sa COVID-19 pandemic kung bakit mataas ang voter registration turn-out ng mga kabataan ngayon.

Ito ang inihayag ngayon sa interview ng RMN Manila ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson James Jimenez kasunod ng pagpalo na sa 4.3 million ang mga kabataan na bagong nagparehistro para sa 2022 national election.

Ayon kay Jimenez, mula sa 22-million na voting population ng mga kabataan noong 2019 election, inaasahang tataas ito ngayon sa 25-million hanggang 30-million.


Inaasahan ng COMELEC na tataas pa ang bilang ng nagpaparehistro para sa halalan sa susunod na taon bago ang deadline nito sa Sept. 30, 2021 dahil sa pagbubukas ng mga satelite registration sa mga mall.

Facebook Comments