Pagsali sa mga drill – nais gawing mandatory ng NDRRMC

Aminado ang National Disaster and Risk Reduction Management Council na “malabnaw” ang partisipasyon ng Local Government Unit (LGU) at private sectors sa mga ikinakasa nilang earthquake drill

Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal – bagamat may mga sumasali taon-taon sa mga ikina-kasa nila simultaneous earthquake drill, napapansin nilang dumarami lang ang lumalahok kapag may naganap na lindol at lumalabnaw kapag walang nangyaring sakuna.

Bunsod nito, pinag-aaralan na ng NDRRMC na gawing mandatory ang pagsali sa mga simultaneous earthquake drill.


Bukod rito, posibleng pag-isahin na rin ng NDRRMC ang hiwalay na earthquake drill ng Department of Education o DepEd kada taon sa iba’t ibang paraalan sa bansa.

Facebook Comments