Mga Evacuation Center sa Lungsod ng Cauayan, Nakahanda na!

52

Cauayan City, Isabela- Handa na ang mga evacuation centers sa Lungsod ng Cauayan sakaling may mga evacuees sa pananalasa ng bagyong Ramon sa Lalawigan ng Isabela.

Para sa Poblacion area, gagamitin bilang evacuation center ang F.L. Dy Coliseum, sa East Tabacal region ay ang Villa Luna High School, sa West Tanap ay ang mga Community Centers ng Brgy Buena Suerte at Sta. Luciana.


Para sa mga Brgy. ng Tanap region ay nakahanda ang Brgy. Nungnungan 2 at Brgy. Sillawit habang nakahanda na rin ang mga Community centers ng Brgy. Gappal at Villa Concepcion sakaling kinakailangang lumikas ang mga residente dito.

Sa ngayon, activated na ang Emergency Operation Center (EOC) at anumang oras ay ia-activate na rin ang Incident Management Team (IMT) sa lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments