Pagsasaayos ng Ilang Drainage Canal sa Cauayan City, Sisimulan Na!

Cauayan City, Isabela- Sisimulan na ang pagsasaayos ng mga drainage canal sa lungsod ng cauayan sa mga susunod na araw kasabay ito ng pormal na pagdedeklara ng PAGASA na  tag ulan na buwan ng hunyo dahil ilang pangunahing problema dito ay ang di maayos na pagdaloy ng tubig mula sa nasabing canal.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Engr. Edward Lorenzo, City Engineer Officer sa nasabing lungsod, aniya magsasagawa ang kanilang tanggapan ng paglalagay ng mga bagong kagamitan para dito.

Dagdag pa ni Ginoong Lorenzo na hinihintay na lamang ng kanyang tanggapan ang mga materyales para masimulan na pagpapalit sa mga ito.


Nagkaroon na rin aniya sila ng koordinasyon sa DPWH sa pagsasara ng ilang bahagi ng kalsada sa lungsod.

Ayon pa sa City Engineering Office direktang pagtatapon ng basura ang isang dahilan kung kaya’t sanhi ito ng hindi maayos na pagdaloy ng tubig mula sa canal.

Payo naman ni Engr. Lorenzo sa publiko na makipagtulungan sa kanilang isasagawang pagsasaayos ng nasabing mga canal at iwasang magtapon ng mga uri ng basura na sanhi ng pagbara at maiwasan ang pagbabaha hindi lamang sa tuwing sasapit ang tag ulan kundi gawin aniya ito araw araw.

Facebook Comments