Pagsasagawa ng bi-annual online exams, sinisilip na ng CSC

39

Sinisilip na ng Civil Service Commission (CSC) ang pagsasagawa ng bi-annual examinations online.

Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, pinag-aaralan na nila kung paano gagawin ang examinations online.

Aminado si Lizada na mahirap gawin ang “paper and pen test” ngayong mayroong pandemya.

Posibleng ipatupad ang online exams sa susunod na taon.

Tiniyak naman ni Lizada sa publiko ang magiging integridad ng civil service examinations.

Nasa higit 200,000 katao ang kumuha ng civil service exams na ginaganap dalawang beses sa isang taon.

Nitong Marso, nakapagtala ang CSC ng mataas na bilang ng examinees na nasa 290,000.




Facebook Comments