Pagsasagawa ng cloud seeding, ipinag-utos na ng DA

157
Photo Courtesy: Sec. Manny Piñol/Facebook

Inatasan na ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang kaniyang mga regional officers na magsagawa ng cloud seeding operation.

Ito ay kaugnay ng nararanasang tagtuyot.


Ayon kay Piñol, naibaba na ang pondo para sa cloud seeding noon pang isang taon.

Kasabay nito, nagpaalala ang kalihim na kailangan pa ring isa-alang-alang ang mga patakaran sa pagsasagawa ng cloud seeding.

Kabilang rito ang pagtitiyak na walang pananim ang maaapektuhan kapag nagsagawa ng cloud seeding, dapat tiyaking makapal ang ulan para maging epektibo ang cloud seeding at dapat ring nakaabang na ang mga magsasaka para makapagtanim para hindi masayang ang cloud seeding operation.

Facebook Comments

From Advertisers