Mainit na tinanggap ni Police Brigadier General Steve Ludan PNP regional director ang lahat ng mga nagsidalo kung saan labis itong nagpapasalamat dahil sa mainit na suporta dito ng iba’t ibang grupo lalo na din ang Kabataan Kontra sa Droga at Terorista.
Sa naturang Aktibidad pangunahing bisita dito sina Atty. Cherry Anne Dela cruz Spokesperson ng National Coalition of Advocacy Support Group and Force Multiplier, PLt. General Rhodel O Sermonia na siyang Focal Person ng naturang aktibidad ang Duterte Legacy Caravan at USEC Joel Sy EGCO na siyang Presidential Task on Media Security, PCOO.
Ayon kay Egco, hindi ito isinasagawa upang ipagmalaki ang mga nagawa ni pangulong Duterte sa loob ng anim na taon na malapit nang magpaso ang kanyang termino bagkus ginagawa ito upang ipakita ang kaseryosohan ng pamahalaan sa kanilang pagsupil sa terorista sa pamamagitan ng pagtulong tulong ng lahat ng sector ng lipunan upang matuldukan na rin ang terorismo sa bansa.
Samantala, nagbigay din ng pahayag ang isang dating kadre ng CPP/NPA na si Maria Kristina Magaspac alyas Ka Kira, na kung saan hinimok nito ang mga kabataan na huwag ng sumapi ang mga kabataan sa mga organisasyon na may kaugnayan sa NPA dahil posibleng maranasan din nila ang kanyang naging hirap niya sa kilusan.
Maganda umano ang unang mga paliwanag ng mga terorista ngunit sa katagalan ay lalabas ang tunay na kasamaan ng mga terorista.
Nagbigay din ng suporta ang mga kabataan sa kampanya ng Gobyerno laban sa terorismo sa pamamagitan ni KKDAT President Angelika Lappay.