TOP 3 MOST WANTED SA BAYAN NG STO. NIÑO, CAGAYAN, BAGSAK SA KULUNGAN

14
Cauayan City, Isabela- Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki na wanted sa batas matapos maaresto sa bayan ng Sto Niño, Cagayan.

Ang suspek ay kinilalang si Mico Christopher Villanueva y Binarao, 27 years old miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at itinuring na Top 3 most wanted person at residente ng Brgy. Centro Sur, Sto. Niño, Cagayan.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262 o batas na pumoprotekta sa Karapatan ng mga kababaihan.

Hindi naman ito agad makakalabas ng kulungan maliban kung siya ay makakapaglagak ng kanyang piyansang nagkakahalaga ng P108,000.

Ang pagkakaaresto sa suspek ay sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon Jerson Eckman Angog, Judge of Regional Trial Court Branch 25, Tabuk City na may petsang December 3, 2021.

Nasa kustodiya pa rin ng PNP ang suspek para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments