Naniniwala ang Department of Labor and Employment (DOLE) na ang mga isinasagawang job fairs ay mabisa at epektibong paraan sa pagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.
Ito ay kasunod ng lumabas na April 2019 labor force survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas ang employment rate sa 94.9% at bumaba ang unemployment sa 5.1%.
Ayon kay DOLE Bureau of Local Employment Director Dominique Tutay – patunay lamang sa mga datos na nakakapaglikha sila ng bagong employment.
Aniya, malaki ang tulong ng job fairs katuwang ang iba pang government agencies.
Dagdag pa ni Tutay, tumaas din ang bilang ng job fairs sa bansa – mula sa dating 1,000 job fairs ay umaabot na sa higit isang libo ang isinasagawa.
Facebook Comments