Pagsasagawa ng Kilos Protesta ng ANAKPAWIS-Cagayan, Matagumpay na Isinagawa!

*Cauayan City, Isabela- *Matagumpay at matiwasay na natapos ang pagsasagawa ng kilos protesta ng kilusang ANAKPAWIS sa Lalawigan ng Cagayan kasabay sa kanilang paggunita sa Linggo ng mga magsasaka.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Ginoong Isabelo Adviento, ang Regional Coordinator ng Anakpawis Region II kung saan nagsagawa ng sabayang kilos protesta ang kanilang organisasyon sa rehiyon dos hinggil umano sa mga nararanasang kahirapan ng mga magsasaka sa bansa.

Aniya, Layunin umano ng kanilang isinagawang protesta na maipahayag sa pamahalaan ang kanilang mga karapatan at hinaing sa lupa lalo na sa tanggapan ng Department of Agrarian Reform (DAR).


Ito ay dahil umano sa Kawalan ng tunay na reporma sa lupa, hindi maayos na pagpapatupad at implimentasyon sa mga programa para sa mga magsasaka at mga problema sa lupa ng mga magsasaka na hindi pa nalulutas.

Hiling naman ni Adviento na dapat na umanong ibigay na ng pamahalaan ang libreng lupa para sa lahat ng mga magsasaka na walang kakayahang bumili ng sariling lupa.

Samantala, balak rin umano ng kanilang organisasyon na maghain ng Complain sa Commission on Human Rights (CHR) sa ilang personahe ng PNP at AFP dahil umano sa kanilang pananakot at pagbabanta sa ilang leader at miyembro ng kanilang organisasyon.

Facebook Comments