Pagsasagawa ng special audit ng COA hinggil sa pagbili ng medical supplies sa Pharmally, ipinanawagan ni Senator Drilon

Nanawagan si Senator Franklin Drilon sa Commission on Audit (COA) na magsagawa ng special audit hinggil sa pagbili ng medical supplies ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Ayon kay Drilon, dapat na malaman kung mayroong katiwaliang naganap sa pagbili.

Hinikayat din nito ang Office of the Ombudsman na bumuo ng fact-finding team na mag-iimbestiga sa transaksyon ng PS-DBM at ng Pharmally.


Paliwanag kasi ng Senador, panahon na para umaksyon ang dalawang constitutional bodies para halukayin ang pagbibigay ng mahigit P10 billion kontrata sa Pharmally.

Facebook Comments