Kilos–protesta ngayong ginugunita ang ika-49 anibersaryo ng Martial Law, kasado na!

559

Kasado na ang iba’t-ibang kilos-protesta ng iba’t ibang militanteng grupo kasabay ng paggunita ng ika-49 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial law.

Sisimulan ang programa mamayang alas-4 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.


May mga manggagaling din sa iba’t ibang lugar sa kalakhang Maynila bago magtipon-tipon sa lugar.

Gagamitin naman ang social media platform para sa mga hindi makakalahok sa protesta.

Tampok sa protesta ang pagpapahayag ng kasaysayan ng batas-militar sa Pilipinas.

Ang Martial Law ay idineklara noong September 21, 1972 sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.



Facebook Comments