Pagsasagawa ng special elections sa Shanghai, China at ilang bansa na may problemang panseguridad, ipinauubaya na ng DFA sa COMELEC

Nasa kamay na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagtatakda ng petsa para makapagsagawa ng special elections sa Shanghai, China na ngayon ay patuloy na naka-lockdown dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Director Zoilo Velasco ng Department of Foreign Affairs (DFA) Overseas Voting Secretariat na kailangang tignan ng komisyon kung ang mga botong makukuha mula sa nabanggit na bansa ay makapagbibigay ng malaking agwat sa boto ng mga kandidato partikular na sa pagkapresidente, bise presidente, senador at partylist.

Samantala, posible namang hindi na makapagdaos pa ng halalan sa mga bansang Ukraine, Iraq, at Afghanistan.


Ito ay dahil magulo at may isyung pang seguridad sa naturang mga bansa.

Paliwanag pa ni Velasco, ang mga Pilipinong naka-base sa Ukraine, Iraq, at Afghanistan ay kalat-kalat na sa iba pang mga bansa at hindi na mahagilap dahil nagkanya-kanyang ligtas na ng kanilang mga sarili.

Facebook Comments