Pilipinas, nasungkit ang unang gold medal sa 31st SEA Games sa Vietnam

150

Nasungkit ng Pilipinas ang unang gold medal nito sa 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Vietnam.

Ito’y matapos magwagi si Mary Francine Padios ng gold medal sa Pencak Silat Women’s Seni (Artistic) Tunggal Single event.

Nagbigay naman ng papuri ang Malakanyang kay Padios at nagpaabot na rin ng pagbati sa lahat ng Pilipinong atleta na sasabak sa SEA Games.


Samantala, nag-uwi rin ng silver medal ang Filipino rowers tandem na sina Cris Nievarez at CJ Jasmin sa Men’s Lightweight Double Sculls.

Inaasahang maraming medalya pa ang i-uuwi ng bansa para depensahan ang titulo nito sa SEA Games.

Facebook Comments