Kampo ni BBM, nakatakdang bumuo ng transition team

221

Nakatakdang magpulong ang kampo ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., para sa pagbuo ng transition team nito bilang bagong pangulo ng Pilipinas.

Ayon sa tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez, pagpupulungan ang mga susunod na hakbang ng kanilang kampo matapos ang pangunguna nito sa unofficial and partial tally ng 2022 elections.

Sa ngayon, mayroon na umanong napipisil si Marcos na mga itatalaga nito sa kanyang gabinete ngunit hindi pa ito isinasapinal.


Nauna nang nagpahayag ang ilang mga political analyst na dapat nang bumuo ng economic managers si Marcos para sa kanyang administrasyon matapos bumaba ng ilang porsyento ang Philippine Stock Exchange index.

Facebook Comments