Pagsasagawa ng test implementation ng “bakuna bubbles” sa NCR, isinusulong

Isinusulong ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang pagsasagawa ng test implementation ng “bakuna bubbles” sa Metro Manila na mayroong high vaccination rates laban sa COVID-19.

Ayon kay Concepcion, ang pagpapatupad ng “bakuna bubbles” sa National Capital Region (NCR) ay makapag-aambag sa vaccination program at para rin sa ligtas na pagbubukas ng ekonomiya.

Aniya, maaaring ipatupad ang ‘bakuna bubble’ kahit nagkakaroon ng COVID-19 cases surge.


Giit ni Concepcion, kung ang “bakuna bubble” ay napatunayang gagana sa mga Local Government Unit (LGU) na may mataas na vaccination rate ay maaari itong ipatupad sa NCR level.

Una nang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na mahaharap sa usaping legal ang panukalang pagkakasa ng “bakuna bubbles” para ihiwalay ang mga fully vaccinated kontra COVID-19 mula sa mga hindi pa bakunado.

Facebook Comments