Pagsasagawa ng vaccination counselling sa mga magulang at estudyante, sinisilip ng DepEd upang makumbinsi silang magpabakuna kontra COVID-19

Puspusan ang pagsisikap ngayon ng Department of Education (DepEd) upang mahikayat ang mga magulang at estudyante na magpabakuna kontra COVID-19 kasunod ng pagbabalik ng face-to-face classes sa Lunes.

Sinabi ni Education Undersecretary Epimaco Densing III, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Health (DOH) upang magkaroon ng vaccination counselling sa mga magulang upang kumbinsihin ang mga ito na magpabakuna.

Dagdag pa ni Densing, kapag naabot na ang sapat na numero ng mga estudyante at magulang ay magtatayo ng vaccination sites sa mga paaralan.


Mababatid na aabot sa 37,000 guro mula sa 883,000 guro sa bansa ang hindi pa fully vaccinated.

Sa naturang bilang ay 20,000 ang nakatakda pa lamang makumpleto ang primary series at 17,000 dito ang patuloy na tumatanggi upang magpabakuna.

Samantala, tiniyak naman ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio sa publiko ang kahandaan ng ahensya hinggil sa pagbabalik-eskwela ng mga estudyante.

Facebook Comments