Unang paglipad ni Jane de Leon bilang “Darna”, trending sa social media

130

Inabangan ng mga manonood kagabi ang kaabang-abang na unang paglipad ni Jane de Leon o ni Narda bilang “Darna”.

Sa “Lipad, Darna!” episode kagabi ay ipinakita ang iconic transformation ng all-time favorite Filipino heroine matapos maharap sa realidad na limitado ang kaniyang kapangyarihan bilang normal na tao.

Sinundan naman ito ng pagpapakita ng aparisyon ng unang Darna na si Leonor at saka nahulog mula sa langit ang Martean stone na nagbibigay kapangyarihan sa sinumang lulunok dito.


Dito na naganap ang inaabangang pagbabago at pagsigaw ni Narda ng “Darna!” na siyang nag-trending sa Twitter worldwide.

Mababatid na umabot ng tatlong taon bago umarangkada ang paglipad ng Darna matapos ang ilang aberya at pagbago nito mula sa pelikula papunta sa series at dahil na rin sa banta ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments