Pagsasagawa ng vaccine rollout, wala nang urungan – Roque

Kumpiyansa ang Malacañang na wala nang atrasan at tuluy-tuloy na ang pagpapatupad ng vaccination program ng pamahalaan, lalo na at inaasahan ang pagdating ng mga bakuna ngayong buwan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi na maaantala ang vaccination rollout dahil marami pang supply ng bakuna ang darating sa bansa ngayong buwan.

Bukod sa 600,000 doses ng Sinovac na kasalukuyang ginagamit ngayon, mayroon pang darating na higit isang milyong doses mula sa Chinese pharmaceutical company.


Inaabangan na rin ang 525,000 doses ng AstraZeneca mula sa COVAX Facility ng World Health Organization.

Pagtitiyak din ni Roque na may mga bakuna ring darating sa buwan ng Abril.

Kaugnay nito, mamayang alas-7:30 ng gabi ang inaasahang pagdating ng 487,200 initial doses ng AstraZeneca sa bansa at personal itong sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments