Mga kumpanya ng langis, nagpatupad muli ng dagdag presyo

Manila, Philippines – Sa ikatlong sunod na linggo – magpapatupad ng dagdag presyo sa produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis ngayong araw.

Ipapatupad ng Shell, PTT Philippines, Total, Phoenix Petroleum, Flying V, Caltex, SeaOil, Petro Gazz, Jetti Pump at Petron ang dagdag na P0.40 sa kada litro ng diesel habang P0.10 naman sa kada litro ng gasolina.

Mayroon namang P0.15 taas presyo sa kada litro ng kerosene ang Shell, Flying V, Caltex, SeaOil at Petron.


Ayon kay Rodela Romero, assistant director ng Oil Industry Management Bureau, posibleng magkaroon ng isa pang taas-presyo sa susunod na linggo.

Aniya, ito ay dahil sa pagtapyas ng produksiyon ng langis ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC).

Facebook Comments