Pagsasailalim sa “bubble” ng mga probinsyang nakararanas ng COVID-19 surge, pag-aaralan ng pamahalaan

Pag-aaralan ng pamahalaan ang posibleng pagpapatupad ng “bubble” restriction sa mga probinsyang itinuturing ngayon na areas of concern dahil sa pagsipa ng COVID-19 cases.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega na kailangan talagang makontrol ang mobility ng mga tao para mapigilan ang hawaan ng virus.

Gayunman, nilinaw niya na kahit walang bubble, mahigpit na ang ipinatutupad na border control sa ilang rehiyon.


Bukod dito, iginiit din ni Vega na dapat ding pabilisin ang pagbabakuna sa mga probinsya.

Facebook Comments