Pagsasailalim sa NCR sa Alert Level 4, tinutulan ng ECOP

Tinutulan ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na itaas sa Alert Level 4 ang quarantine classification ng National Capital Region (NCR).

Kasunod ito ng pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III sa posibilidad na maitaas pa sa Alert Level 4 ang quarantine status sa NCR dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr., madali lang naman sabihin na dapat ilagay Alert Level 4 ang NCR.


Pero ang maaapektuhan ay ang tatlong milyong Pilipino oras na mas maghigpit pa sa restriksyon.

Nauna nang sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inihahanda na nila ang P1 billion halaga ng tulong sa mga manggagawang apektado ng umiiral na Alert Level 3.

Facebook Comments