Pagsasalin ng katungkulan ni DepEd Secretary Leonor Briones kay incoming DepEd Secretary Vice President Sara Duterte-Carpio, isasagawa na

Pormal ng isasalin sa pwesto ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones kay Vice President Sara Duterte-Carpio ang kanyang tungkulin bilang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon mamayang alas-2:00 ng hapon.

Tinawag na “Pasasalamat at Pagpupugay Palatuntunan ng Pagsasalin ng Katungkulan” na gaganapin sa tanggapan ng DepEd sa Pasig City.

Ayon kay DepEd Media Relations Officer Erika Antonio, lahat ng mga media na magco-cover sa naturang okasyon ay kinakailangang magkumpirma muna sa pamamagitan ng kanilang DepEd viber o kaya SMS 09264620868 dahil mahigpit na ipatitupad ang no confirmed attendance, no entry policy.


Paliwanag pa ni Antonio na mayroong panuntunan sa mga media para sa mga nais na dumalo upang saksihan ang makasaysayang pagsasalin ng katungkulan.

Lahat ng mga media na magco-cover ay kinakailangang isalilalim sa antigen test, mayroon lamang 15 upuan sa Bulwagang Karunungan para sa mga first come first serve basis sa mga TV outfit at ang ibang mga media ay sa magmomonitor sa pamamagitan ng LED monitor sa Patio ng Kabutihan, kung saan pinagbabawal sa loob ng Kagawaran ang bag, ballpen, lapis, payong at ibang mga matutulis na bagay.

Umaasa ang DepEd na tatalima ang lahat ng mga mamamahayag na kokober sa naturang makasaysayan na pagsasalin ng tungkulin ng bilang kalihim ng DepEd.

Facebook Comments