Pagsasampa ng impeachment laban sa pangulo kaugnay sa pangingisda ng mga Chinese sa EEZ ng Pilipinas welcome sa Malacanang

Naghamon ang Palasyo ng Malacanang na sampahan si Pangulong Rodrigo Duterte ng Impeachment case kaugnay sa pahayag nito na payagang mangisda sa Exclusive Economic Zone o EEZ na bahagi ng Pilipinas.

 

Matatandaan na sinbi ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na impeachable offense ang naging pahayag ng Pangulo dahil ito ay hindi naaayon sa saligang batas.

 

Sinabi naman ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na hindi maaaring payagan ni Pangulong Duterte ang mga Chinese na mangisda sa loob ng EEZ dahil labang ito sa konstitusyon.


 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, kung nakikita na grounds for impeachment ang sinabi ni Pangulong Duterte ukol sa nasabing issue ay malaya naman ang mga ito na magsampa ng kaso laban sa Pangulo.

Nanindigan din naman si Panelo na wala silang nakikitang masama o impeachable offense sa mga naging pahayag o ginawa ni Pangulong Duterte lalo pat hindi naman ito nakagawa ng bribery o corruption offense.

Facebook Comments