MANILA – Itinuturing ng Malacañang na isang harassment ang isinampang reklamo ng self-confessed killer na si Edgardo Matobato sa tanggapan ng Ombudsman laban kay Pangulong Rodrigo DuterteAyon kay Presidential Communications Asec. Ana Marie Banaag, gusto lang ni Matobato na malihis ang atensyon ng Pangulo para hindi nito magampanan ng maayos ang kanyang tungkulin.Malinaw din aniya na tinapos na ng Ombudsman ang imbestigasyon sa Davao Death Squad.Sinabi pa ni Banaag na hindi pwedeng disiplinahin ng Ombudsman o ipatanggal sa puwesto ang isang impeachable official gaya ng Pangulo dahil malinaw na may immunity ito sa anumang kriminal na kaso habang nasa puwesto.Gayunman aniya, nirerespeto ng Palasyo ang karapatan ninoman na maghain ng reklamo at bahala na lamang ang Ombudsman na umaksyon dito.
Pagsasampa Ng Reklamo Ni Self-Confessed Killer Edgardo Matobato Laban Kay Pangulong Rodrigo Duterte, Tinawag Na Harassme
Facebook Comments