Nagsagawa ng pagsasanay sa Hydroponics at Basic Chips Making para sa mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program sa Regional Evacuation Center sa Manaoag.
Layunin nitong maituro ang modernong paraan ng pagtatanim at paggawa ng value-added products tulad ng basil pesto chips at kani salad.
Bahagi ito ng pagpapaunlad ng kabuhayan sa mga komunidad upang matulungan ang mga residente na magkaroon ng dagdag na kita at mapalakas ang lokal na produksyon ng mga produktong pangkabuhayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









