Isinagawa sa bayan ng Urbiztondo ang isang pagsasanay ukol sa basic life support para sa layunin ng magkaroon ng mabilis na pag-agap o pagresponde sa iba’t ibat uri ng sakuna o disgrasya.
Partikular na natanggap ng nasa dalawampu’t pitong (27) mga School Disaster Risk Reduction Management Coordinators na mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan ng Urbiztondo.
Pinangasiwaan ang naturang pagsasanay sa Regional Evacuation Center sa Brgy. Batancaoa ng mga kawani ng LDRRMO o Local Disaster Risk Reduction Management Office ng bayan katuwang ang mga kawani ng Provincial DRRM.
Ilan lamang sa mga natanggap na kaalaman ng participante ang iba’t ibang pamamaraan ukol sa Scene Safety Management, Patient Care, Emergency Medical Service (Transport) maging ang Basic First Aid Tools at Cardio Pulmonary Resuscitation o CPR.
Paalala naman ng mga opisyal sa mga kalahok sa pagsasanay ay dapat maisagawa ang kanilang mga natutunan para sa basic life support sakaling magkaroon ng anumang mga disgrasya.
Inisyatibo ang naturang aktibidad ng lokal na pamahalaan ng Urbiztondo. |ifmnews
Facebook Comments