Monday, December 23, 2024

Pagsingit sa pila, nais ipagbawal sa Baguio City

Image via PNA

Isinusulong ngayon ng isang konsehal sa Baguio City ang panukalang bawal sumingit sa pila.

Ayon kay konsehal Joel Alangsab, layunin ng ordinansang maging patas sa mga taong pumipila ng maayos at maiwasan ang aberya kapag may nagtangkang sumingit lalo na at hindi nasusunod ang polisiyang “first come, first serve”.

“Ang inire-recommend natin dito ay kung puwede sanang first come, first serve is line numbering,” ani Alangsab.

Kapag napatupad ang panukala, papatawan ang sinumang lalabag ng kaukulang multa:

  • P1,000 – unang paglabag
  • P2,000 – ikalawang paglabag
  • P3,000 – ikatlo at susunod na paglabag

Kamakailan, inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ng Baguio ang ordinanasang bawal magmura sa pampublikong lugar at paggamit ng cellphone o gadgets habang tumatawid o naglalakad sa kalye.

Facebook Comments