PAGSIRA SA MGA CAMPAIGN POSTERS SA DAGUPAN CITY, INALMAHAN NG ILANG RESIDENTE

Umalma ang ilang mga residente sa Dagupan City sa pinagsisisirang mga campaign posters ng mga kandidato sa lungsod.

Nagkalat sa kani-kanilang social media ang ilang litrato ng nasirang mga campaign materials ng sinusuportahan nilang mga kandidato.

Ayon sa ilang supporters, dapat umanong lumaban ng patas ngayong halalan at at huwag pairalin ang maling gawain ngayong panahon ng pangangampanya .

Ang lungsod ay nasa yellow Category of areas of concern ngayong election period, bagamat sa kabila nito ay wala pa naman umanong naitatalang anumang election-related incidents.

Hinimok ng Dagupan City PNP ang mga political parties at mga supporters nito ang pagpapanatili ng respeto sa bawat isa.

Muling iginiit din ng Commission on Elections o COMELEC ang kooperasyon at pagkakaisa ng publiko upang mapanatili ang maayos at payapang halalan sa darating na May 2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments