Pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa Myanmar, ikinababahala

Nababahala si Philippine Ambassador to Myanmar Eduardo Kapunan Jr., na pagsapit ng dalawa hanggang tatlong linggo ay sisirit ng husto ang kaso ng COVID-19 sa Myanmar.

Ito ay sa kadahilanang kulang-kulang ang COVID-19 response ngayon doon ng military government.

Ayon kay Kapunan, binabaha na ng mga pasyente ang mga ospital sa Myanmar at kulang na rin ang suplay ng oxygen kaya ang mga tinatamaan ng COVID-19 ay hindi na nabibigyan nito.


Habang maliban pa rito, sumasali na rin sa pagra-rally ang karamihan sa mga health workers at pahirapan na tawagin silang bumalik sa serbisyo.

Sa ngayon pag-amin pa ni Kapunan, wala nang eksaktong bilang ng mga nasawi sa Myanmar dahil sa virus matapos magkulang sa transparency ang military government.

Facebook Comments