Manila, Philippines – Sisikapin umano ng Senado na maipasa ang proposed 2019 Budget sa December 15.
Sa isang panayam, sinabi ni Senador Koko Pimentel na handa silang magtrabaho kahit sa weekend para maihabol ang pag-apruba sa proposed P3.757 trillion national budget.
Base sa schedule ng senate committee on finance, posible lang na maaprubahan ang 2019 budget sa January 29, 2019.
Pero kung sa Enero pa, pinangangambahang mauwi ito sa reenacted budget.
Kung magkataon, hindi mapopondohan ng gobyerno ang mga programa nito para sa susunod na taon dahil kaparehong general appropriation sa 2018 ang gagamitin ng pamahalaan.
Sabi naman ni Sentor Sonny Angara – gagawin ng Senado ang lahat at swerte na lang talaga kung maipasa ito bago matapos ang taon.
Kumpiyansa naman si Senador Richard Gordon na maaaprubahan ang 2019 budget sa target date.
Pero Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian – bagama’t posibleng maipasa ang 2019 budget sa loob ng maikling panahon, dapat pa rin itong busisiing mabuti.
Hindi aniya dapat masakripisyo ang kalidad at mga isyu sa budget kaya kung kinakailangan pa ring ma-extend ang deliberasyon sa susunod na taon, iyon ang dapat gawin ng kongreso.