MANILA – Boluntaryo na ang pagsisilbi ng mga guro tuwing nagkakaroon ng halalan.Ito ay matapos na pirmahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang Election Service Reform Act o Republic Act 10756 na nag-aatas upang huwag gawing compulsory ang pagsisilbi ng mga public school teachers tuwing eleksyon.Ang batas ay nilagdaan ng pangulo noong Abril a-otso kung saan pinapayagan nito ang Commission on Elections na magtalaga ng mga private school teachers at empleyado ng gobyerno upang magsilbi bilang Board of Election Inspectors.Hindi naman kasali dito ang mga nagseserbisyo sa militar, non-teaching personnel ng Dept. of Education, miyembro ng citizen’s arm at civil society organization.Binigyan din ng kapangyarihan ang Comelec na magtalaga nang sinumang rehistradong botante na may kakayahan o kwalipikadong maging BEI basta’t hindi ito konektado sa anumang kandidato o partido.Makakatanggap ng P6,000 bilang allowance ang BEI Chairman, P5,000 sa mga miyembro nito, P4,000 sa mga Deped supervisor at P2,000 sa kanilang mga supporting staff.
Pagsisilbing Bei Ng Mga Public School Teachers Tuwing Halalan, Boluntaryo Na Sa Ilalim Ng Bagong Batas
Facebook Comments