MANILA – Iginiit ngayon ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na humanitarian army, hindi mga pulis at sundalong may armas, ang dapat na sumugod sa North Cotabato at ibang lugar sa Mindanao na sinasalanta ng tag-tuyot.Ito ang binigyang diin ni Recto, bilang tugon sa marahas na salpukan ng mga pulis at nagpo-protestang magsasaka na nagresulta sa pagkamatay ng apat katao at pagkasugat ng marami pa sa Kidapawan noong Biyernes.Ayon kay Recto, hindi kailangan ng mga armadong tropa sa Kidapawan sa halip ay isang humanitarian army ang dapat na sumugod sa Mindanao para magdala ng solusyon sa problema ng tag-tuyot doon.Maaari aniyang pamunuan ang Humanitarian Army nina DSWD Secretary Dinky Soliman at Agriculture Secretary Proceso Alcala para masigurong matutugunan ang hinaing ng mga magsasaka.Nanawagan din si Recto sa Malakanyang na ilaan ang bahagi ng P39-bilyong Calamity Fund ngayon taon para sa “food assistance, cash-for-work projects, emergency employment at farm aid” sa bukiring tinamaan ng El Niño.Ayon kay Recto, naglaan ang Kongreso ng P6.7-bilyong Quick Response Fund (QRF) sa pambansang badyet ngayong taon para sa 12 ahensya ng pamahalaan.Malaking bahagi ng pondo o P1.32 bilyon, ay naibigay sa DWSD, at tig-P500 milyon naman ang napunta sa Department of Agriculture at National Irrigation Administration.
Pagsugod Ng Pulis At Sundalo Sa Mga Lugar Na Sinalanta Ng El Nino, Binatikos Ng Isang Adminiatration Senator
Facebook Comments