Pagsugpo sa iligal na droga, tuloy kasabay ng ECQ – DILG

Magpapatuloy pa rin ang paglaban ng pamahalaan kontra sa iligal na droga kahit mapapasailalim na ang Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula sa ika-6 ng Agosto.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, hindi dahilan ang lockdown upang masugpo ang iligal na droga sa bansa.

Nangangailangan naman ang lockdown ng suporta at kooperasyon mula sa publiko upang mapigilan ang posibleng pagkalat pa ng Delta variant.


Sa ngayon, ilan sa mga lugar na ipinatutupad na ang mahigpit na quarantine control points ay ang mga borders ng; Bulacan, Rizal, Laguna, at Cavite.

Oras naman na umiral na ang ECQ ay malilipat ang mga quarantine control points sa paligid ng Metro Manila.

Facebook Comments