Patuloy ang paalala ng pamahalaan sa publiko na iprayoridad ang pagsunod sa health protocols ngayong Pasko lalo’t may banta pa rin ng COVID-19.
Ayon sa Office of the Press Secretary, bagama’t maluwag na ang restrictions para sa mga pagtitipon, makabubuti na sumunod pa rin sa health protocols upang maging ligtas at malusog ang pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Kasabay nito, hinikayat ng Department of Health ang publiko na magsuot ng face mask, magpabakuna at agad na mag-isolated kung makaranas ng sintomas ng virus.
Ayon sa ahensya, dapat na pag-ibayuhin ang pag-iingat lalo’t naglipana pa rin ang iba’t ibang variants at subvariants ng COVID-19.
Sa ngayon, apat na kaso na ng BF.7, na sublineage ng nakahahawang Omicron BA.5 subvariant ang na-detect ng DOH sa bansa.
Patuloy ding binabantayan ng DOH ang iba pang subvariant ng Omicron.